DOTr, LTFRB AT LGU Cauayan City, nagkaisa sa pagbibigay ng conducive terminal para sa libreng sakay

Nagkaisa ang Department of Transportation Office, LTFRB at Local na Pamahalaan ng Cauayan City sa pagbibigay ng terminal para sa pagpapatuloy ng Service Contracting Agreement Phase II o libreng sakay.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan City sa LTFRB Region 2, kabilang ang SM Cauayan Transport Terminal at Cauayan City Integrated Terminal sa gagamitin para sa naturang programa.

Pinondohan ang libreng sakay sa ilalim ng General Appropriations Act 2021 kung saan ang mga healthcare workers at APORs ang makikinabang dito.

Sa pamamagitan ng Service Contracting Program ay mabibigyan ng insentibo ang mga PUV operators base sa bilang ng kanilang biyahe kada linggo.

Tiniyak ni LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III na magpapatuloy ang mandato ng ahensya upang matulungan ang mga operator, driver at commuter kasabay ng nararanasang pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *