Dr. Herbosa – ‘wag mag-‘panic’ sa monkeypox cases

Naniniwala si National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na hindi pa napapanahon para magpatupad ng border control sa mga bansang mayroong kumpirmadongkaso ng nakahahawang monkeypox.

Sa isang panayam, sinabi ni Herbosa hindi ‘sing bilis makahawa ng COVID-19 ang monkeypox.

Malalayong bansa rin aniya ang mga naka-detect nito.

Inaaral na rin aniya ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention o CDC ang effectivity ng bakuna kontra bulutong laban sa monkeypox.

Sa kabila niyan, inirekumenda ni Herbosa sa mga mayroong travel history sa mga bansang may detected monkeypox cases na mag-isolate na muna.

Ang mahalaga aniya sa ngayon ay ‘wag mag-panic, ngunit panatiliin pa rin ang pagsunod sa minimum health standards dahil maliban sa epektibo ito laban sa COVID-19, maiiwasan din ang posibleng hawaan ng monkeypox.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *