Infectious disease expert naniniwalang walang pang dapat ikabahala re: monkeypox

Naniniwala si Infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na wala pang dapat ikabahala ang publiko kaugnay sa monkeypox virus.

Ginawa ni Solante ang pahayag matapos ang naiulat na outbreak ng naturang sakit sa iba’t-ibang bahagi ng mundo paritkular na Europa.

Nilinaw naman ng eksperto na bagama’t wala pang dapat ipagpangamba, hindi naman pwedeng magpaka-kampante ang publiko at ang mga kinauukulan upang maiwasan makapasok at magkalat sa bansa ang monkeypox.

Payo ni Solante, panatilihin dapat ang pagsusuot ng facemask at palaging maghugas ng kamay dahil naipapasa ang virus sa pamamagitan ng respiratory droplets.

Inihayag naman ni Solante na mas fatal ang monkeypox virus kumpara sa COVID-19.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *