Drag artist na si Pura Luka Vega, nakalaya na mula sa kustodiya ng pulisya

Nakalaya na ang kontrobersyal na drag artist na si Amadeus Fernando Pagente o mas kilalang Pura Luka Vega, tatlong araw matapos siyang arestuhin.

Ayon sa Manila police, pinalaya ang 33-anyos na drag artist mula sa Sta. Cruz Police Station, matapos magpiyansa ng P72,000.

Samantala, nagpakita ng kanilang suporta ang mga kapwa drag artist at iba’t ibang grupo kay Vega sa pamamagitan ng pagsisimula ng fundraising at donation projects.

Inihayag ng showrunner at director ng Drag Den Philippines (competition show na kinabilangan ni Vega) na si Rod Singh na lumagpas na sa kalahating milyon ang donation fund na kanilang nalikom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *