Driver, patay matapos tagain sa Sigma, Capiz

Patay ang 47-anyos na habal-habal driver matapos tinadtad ng taga sa Sigma, Capiz.

Kinilala ang namatay kay Chrispine Olibo, habang ang tinuturong suspek ay si Jose Duron, 48-anyos pawang residente nang nasabing barangay.

Sa impormasyon na nakuha nga Brigada News FM Roxas City, umaga ng Lunes, nagkasalubong umano ang dalawa sa daan at nagkaroon ng kumprontasyon haggang sa bumunot ng patalim ang suspek at pinagtataga ang biktima.

Dahil sa nangyari, nagakaroon ng malubhang sugat sa ulo, leeg, balikat, kag kamay ang biktima kun saan naputol pa ang mga daliri nito.

Agad na isinugod sa Sigma Rural Health Unit si Olibo ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Napag-alaman na matagal nang alitan ang motibo sa krimen.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng kapulisan ang suspek at hararap sa kasong pagpatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *