DSWD Bicol, tiniyak na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng FFPs para sa mga apektado ng Mayon

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na tuloy-tuloy ang pagpapaabot ng mga family food packs (FFPs) para sa mga pamilyang apektado sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Mula pa umano sa central office ang mga ipinamamahaging FFPs na alinsunod sa pangako ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga Bicolano higit pa sa mga apektadong mga pamilya ng nasabing bulkan.

Tinitiyak rin ng ahensiya na tuluy-tuloy na supply ng pagkain para sa mga apektadong pamilya mula Agosto 26 hanggang Setyembre 9.

Ang isang family food pack ay binubuo ng 6 na kilo ng bigas, 4 na lata ng tuna, 4 na lata ng corned beef, 2 lata ng sardinas, 5 sachet ng kape, at 5 sachet ng cereal drinks upang masakop ang dalawang araw na pagkain para sa kada pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *