DSWD hindi umano nakipag ugnayan sa DepEd kaugnay sa pamimigay ng educational assistance sa mga estudyante

CAMARINES NORTE- Hindi umano nakipag ugnayan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Department of Education (DepEd) kaugnay sa pamimigay ng educational assistance sa mga estudyante.

Ayon kay Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo nakatulong daw sana ang DepEd sa pag- facilitate ng requirement na hinihingi ng DSWD tulad ng certificate of enrollment o school ID kung nakipag ugnayan lamang ito sa kanila.

Aniya walang  natanggap na anumang komunikasyon ang DepEd Division Office mula sa DSWD hinggil dito at nalaman na lang nila na humihingi pala ang huli ng certificate of enrollment kasunod ng reklamo  ng mga magulang at estudyante na hindi agad sila mabigyan ng eskwelahan sa kanilang hinihingi.

Kung  sumulat lang daw sana ang DSWD sa Division Office ay nasabihan nila ang mga school head na kailangan ang mga nabanggit na dokumento sa pag- claim ng educational assistance.

Kaya apela ni Guemo hindi lang sa DSWD kundi sa iba pang partner agency na makipag ugnayan sa kanila lalo na kung may mga kailangang i- request na school documents para mas maging maayos at magbigay ng impormasyon sa ahensiyang pinapasukan.

Ginawa ni Guemo ang pahayag sa programang DepEd Hour noong Sabado, September 3, 2022.

Samantala, pinatututukan naman ni Guemo ang mga estudyante na nag- enroll lang dahil sa ibinibigay na educational assistance ng DSWD.

Sa gitna na rin ito ng mga ulat na dumami ang mga naghahabol na mag- enroll dahil sa ibinibigay na cash assistance.

Nangangamba ang DepEd na baka magkaroon ng mga drop out na estudyante dahil dito.

Nanawagan si Guemo sa mga school head at guro na i- monitor ang mga nag- enrool dahil baka ang layunin lang ng mga ito ay makuha ang cash assistance.

Sana daw ay magamit talaga ang cash assistance para sa pag- aaral at hindi sa ibang bagay.

photo: MDRRMO -Daet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *