Anak ng dating NPA leader na si Ka Oris patay sa engkwento sa Bukidnon

Patay ang anak ng dating top communist terrorist group leader George Madlos aka ka Oris at asawa nito sa engkwentro sa pagitan ng 8th infantry battalion sa ilalim ng 403rd brigade ng Philippine army sa Brgy. Kapitan Bayong, Impasug-ong, Bukidnon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Vincent Isagani Madlos at asawa nitong si Angie Polandres Salinas. Ayon sa ulat, nagsagawa ng special operation ang combat group ng Joint Task Force Diamond (JTFD), na binubuo ng mga tropa mula sa 8IB at intelligence units.

Nang maganap ang labinlimang (15) minutong putukan laban sa hindi matukoy na bilang ng mga CTG na nagresulta sa kamatayan ng nasabing CTG leaders at ang pagbawi ng dalawang (2) AK47 Rifles gayundin ang iba pang war material at personal items.

Napag-alaman din na sina Madlos at Salinas ay kabilang sa mga pinaghahanap na lider ng terorista na miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) Central Committee at Heads ng National Technical Bureau at National Communications Bureau of National Operations Command (NOC).

Dagdag pa rito, si Madlos ay may ilang warrant of arrest din para sa mga krimeng ginawa mula sa iba’t ibang lugar sa Caraga at Northern Mindanao.

Habangg sa kabilang dako naman sinabi ng NPA Sa pamamagitan ng txt message ng nag pakilalang kanilang tagapagsalita na si ka Malim Mabini hindi di umano napatay sa engkwentro ang mag-asawa ngunit dinakip ito sa barangay Patulangan imapsog-ong Bukidnon at kasinungalingan din di umano na may nangyaring engkwentro. (BNFM Valencia City)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *