DSWD tatapusin na ang pamamahagi sa P1.5-B cash aid para sa mga estudyante, ngayong araw

Matatapos na ngayong araw ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P1.5 billion na financial assistance sa mga indigent students.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, na P200 million nalang ang natitira mula sa P1.5 billion fund na unang inilaan sa programa.

Kaugnay nito, inaasahan ng DSWD na maibibigay lahat ang natitirang pondo ngayong araw.

Iaanunsyo naman nila ang extension ng programa, sakaling may sobra sa pondo.

Batay sa datos ng ahensya, lumalabas na mahigit 559,000 students na ang nakatanggap ng cash aid, na higit sa 400,000 na una nang inaasahang makakakuha ng naturang tulong. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *