Umapela ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga small retailers na magsakripisyo na muna sa bagong ipinataw na price ceiling sa presyo ng bigas.
Sa Saturday News Forum – sinabi ni DTI Asec. Agaton Uvero na dapat ay mag-‘sacrifice’ na raw muna ang mga maliliit na nagbebenta ng bigas.

Aniya, sana raw ay maunawaan nila ang Gobyerno at makipagtulungan para sa ikabubuti ng nakararami.
Paliwanag ni Uvero – ‘temporary’ lagn naman daw ito at kalaunan ay makahahanap din sila ng pang-long-term na solusyon.