1 patay sa banggaan ng bus at pick-up sa Camarines Sur

Camarines Sur – Dead on the spot ang driver ng pick-up ito matapos na mabangga ng kasalubong na bus sa bahagi ng Barangay Balagbag Milaor, Camarines Sur kagabi Setyembre 1, 2023.

Sa panayam BNFM NAGA kay Milaor Municipal Disaster Risk Disaster Management Officer Edwin Olitoquit sinabi nitong nakatanggap sila ng tawag na may nangyaring aksidente sa naturang lugar sangkot ang isang bus at pick up. Agad nagpadala ng tauhan sa lugar upang makontrol ang sitwasyon.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang binabaybay ng pick-up na minamaneho ni Renato Dayao y Alday, 57 taong gulang at residente ng Barangay Tabuco lungsod ng Naga ang National Highway mula San Fernando, Camarines Sur tungo sa direksyon ng Naga, nang mag overtake ang nasa kabilang linya ang bus na minamaneho naman ni Edison Pedrezuela y Liwanag, residente ng Barangay Sabang, Calauag, probinsya ng Quezon, dahilan upang magbanggaan ang dalawang sasakyan.

Wasak ang sasakyan at naging pahirapan ang pag-alis sa driver.  Mahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng bus na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *