Duplicate files, nakita sa mga na-leak na impormasyon kasunod ng data breach sa Philhealth

Nakitaan ng mga duplicate files ng Department Information and Communications Technology (DICT) ang mga na-leaked information mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kaugnay nito, sinabi ni DICT Sec. Ivan John Uy na bababa ang bilang ng mga naapektuhan ng data breach na una ng tinukoy na nasa milyun-milyong katao.

Pinangngambahan ngayon ng ahenysa ng posibilidad na pagbenta ng mga scammers sa nakuhang mga detalye matapos na mabigo ito sa hinihinging ransom money na $300,000 o tinatayang P17 million.

Una rito, nanawagan ng karagdagang proteksyon ang isang mambabatas para maproteksyunan ang sistema ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa hacking hindi lamang ang Philhealth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *