Duque, ikokonsiderang legasiya ang pagiging DOH chief sa panahon ng COVID

Naniniwala si Health Sec. Francisco Duque III na hindi maapektuhan ang COVID-19 response sakaling magbitiw siya sa pwesto.

Giit ni Roque, nakalatag na naman ang vaccination program, habang tuloy-tuloy na ang pagpasok ng mga suplay ng bakuna sa huling bahagi ng taon.

Ito’y ay matapos sabihin n Duque sa kanyang pagdalo sa senate blue ribbon committee hearing kaugnay sa imbestigasyon sa findings ng COA na mayroong deficiencies sa pondo ng DOH para sa COVID-19 response, na handa siyang magresign kung kinakailangan, pero kailangan muna niyang linisin ang mga obserbasyon at findings ng COA sa DOH.

Sa gitna nito, tiniyak ng kalihim sa publiko na hindi siya nagbulsa ng kahit “50 cents” mula sa pondo ng kanilang kagaawaran.

Sakaling ituloy nito ang kanyang resignation, sinabi ni Duque na ikinokonsidera niya ang pagiging DOH chief sa panahon ng COVID-19 pandemic, bilang isa sa kanyang mga legasiya. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *