Duque handang magresign kung kinakailangan, pero…

Handa umanong magresign si Health Secretary Francisco Duque III kung kinakailangan.

Ito ang sinabi ni Duque sa kanyang pagdalo sa senate blue ribbon committee hearing kaugnay sa imbestigasyon sa findings ng COA na mayroong deficiencies sa pondo ng DOH para sa COVID-19 response.

Subalit sa ngayon sinabi ni Duque na kailangan muna niyang i-clear o linisin ang mga obserbasyon at findings ng COA sa kagawaran ng kalusugan.

Inihayag naman ng kalihim na ginawa nila ang lahat para labanan ang pandemic sa loob ng 18 buwan at sa katunayan marami sa kanilang kasamahan sa DOH ang binawian ng buhay.

Iginiit ng kalihim na sa kabila ng mga batikos sa DOH, hindi ito makaka-epekto sa pagbibigay nila ng serbisyo sa taumbayan.

Magugunitang ginawa ni Duque ang naturang pahayag matapos payuhan ni Senador Go ang kalihim na gumawa ng supreme sacrifice pagdating ng tamang panahon. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *