Duterte, denepensahan si Cusi sa Malampaya deal

Denepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Energy Secretary Alfonso Cusi, matapos irekomenda ng Senado ang paghahain ng kaso laban sa opisyal kaugnay sa pag-apruba sa pagbenta ng majority stake sa Malampaya gas field.

Kaugnay nito, iginiit ni Duterte na ang pagbenta at pagbili ng stock ng Chevron Malampaya LLC ay aboveboard, at prinotektahan ang national interest, at nananatiling intact ang karapatan ng gobyerno.

Sa isang pahayag, sinabi ng pangulo na ang hakbang ng Senado ay hindi patas para sa mga opisyal at sa publiko.

Giit ng punong ehekutibo, hindi niya papayagan na ma-jeopardize ang Malampaya gas field, na nagbigay ng energy security sa Pilipinas.

Kaugnay nito, nanawagan si Duterte sa mga senador na ipaubaya ang business transactions sa kamay ng mga business sector, at galangin ang kanilang business decisions. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *