COVID cases sa 11y/o pababa, tumaas sa gitna ng Omicron surge

Mas mataas umano ang percentage ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa mga batang may edad 11-taong gulang pababa sa gitna ng Omicron surge, kumpara sa Delta.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga kaso sa 0-11 age group ay bumubo sa average na 56% ng kabuoang pediatric cases noong Setyembre at umakyat ito sa 69.2% noong Enero.

Samantala, sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang percentage ng hospitalized COVID-19 patients na may edad 17-taong gulang pababa ay mas mataas rin noong Omicron wave of infections, kumpara sa Delta.

Dahil dito, muling binigyang diin ng health official na kailangang mabakunahan ang younger population, upang maprotektahan ang mga ito laban sa COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *