Duterte-Duterte, maganda para sa PH sa 2022 polls – Roque

Naniniwala si Presidential spokesperson Harry Roque na magiging maganda para sa Pilipinas ang tandem ng mag-amang Pangulong Rodrigo Duterte at Davaio City Mayor Inday Sara bilang presidential at vice presidential candidates para sa 2022 elections. 

Ginawa ni Roque ang pahayag nang tanungin tungkol sa komento ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na ang dapat iboto ng mga Pilipino ay mga kandidatong maganda para sa Pilipinas at hindi ang mga maganda lamang para sa China. 

Sinabi ni Roque na posibleng nangangampanya si del Rosario para sa Duterte-Duterte tandem.

Mababatid na batay sa sources, una nang sinabi ni Del Rosario na ipinagyayabang ng Chinese government ang pagtulong kay pangulong Duterte noong 2016 elections at makukumpirma umano ng Philippine Embassy sa Beijing ang nasabing claim. 

Ikinagalit ito ni pangulong Duterte dahilan para pagbantaan ang dating kalihim ng kaso. 

Matatandaang sinabi ng pangulo at ng kanyang anak na bukas sila sa pagtakbo sa pagka bise presidente at presidente sa susunod na eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *