106 new cases, 50 recoveries, 6 death sa COVID-19 naitala sa bicol ngayong araw

BICOL—Umaabot na sa 20,270 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na makapagtala ng 106 na panibagong kaso.

42 ay mula sa Camarines Sur kung saan 26 ang mula sa Naga City, tatlo sa bayan ng Buhi, tigdadalawa ang mga bayan ng Libmanan, Pili at lungsod ng iriga at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Camaligan,Del Gallego, Goa, Lagonoy, Magrao at Milaor.

19 na bagong kaso ang naitala sa Catanduanes kung saan 12 nito ay mula sa bayan ng Virac, tatlo sa bayan ng Bagamanoc at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Pandan, Panganiban at San Andres.

17 bagong kaso ang nadagdag sa Albay kung saan apat nito ay mula sa lungsod ng Tabaco, tatlo sa bayan ng Daraga, tigdadalawa ang mga bayan ng Malinao, Libon at lungsod ng Ligao at tig-iisang kaso naman ang mga bayan ng Guinobatan, Oas, Sto. Domingo at lungsod ng Legazpi.

Ang Camarines Norte ay may 15 bagong kaso kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Daet, tatlo sa bayan ng Sta Elena, tigdalawa ang bayan ng Jose panganiban at Vinzons at tig-isa ang bayan ng Capalonga at Paracale.

13 bagong kaso naman ang nadagdag sa Sorsogon kung saan lima nito ay mula sa Sorsogon City, tatlo sa bayan ng Prieto Diaz, tigdalawa ang bayan ng Gubat at Irosin at isa sa bayan ng Magallanes habang zero positive case ang lalawigan ng Masbate.

Samantala, pumalo na sa 16, 110 ang total recoveries matapos na magtala ng 50 panibagong gumaling. 26 nito ay mula sa Camarines Sur, 20 sa Sorsogon at apat sa Catanduanes.

Pumalo naman sa 762 ang death toll matapos na madagdagan ng anim. Tatlo nito ay mula sa Camarines Norte, dalawa sa Sorsogon at isa sa lungsod ng Naga.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *