Duterte, fully vaccinated na vs COVID-19

Kinumpirma ni Presidential Security Group Commander Brig. Gen. Jesus Durante III na fully vaccinated na si Panguong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19.

Ito’y matapos matanggap ng pangulo ang ikalawang doses ng Sinopharm vaccine, dalawang linggo bago ang kanyang unang dose.

Ayon kay Durante, napakahalaga nito, para lalo umano nilang maingatan ang pangulo at magagawa niya nang maayos at tuloy-tuloy ang kaniyang tungkulin, upang makapaglingkod sa mga kababayan.

Hindi naman malinaw kung bakit natanggap ni Duterte ang kanyang second dose, 14 na araw matapos ang first dose, batay sa impormasyong ipinahayag ng PSG commander, sa kabila na inirerekomenda ng World Health Organization ang interval na tatlo hanggang apat na linggong pagitan ng first at second dose ng Sinopharm COVID-19.

Nabatid na noong May 3 nang matanggap ng pangulo ang unang dose ng bakuna na binuo ng China’s Sinopharm. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *