6,812 new COVID-19 cases; Active cases, 55,293

Nagtala ang Pilipinas ng kabuoang bilang sa kaso ng coronavirus disease 2019 sa 1,385,053, matapos maiulat ng Department of Health ang 6,812 na mga bagong infections.

Ang mga bagong kaso ang nag-udyok para bahagyang tumaas ang active cases sa bansa sa 55,293.

Mula sa naturang bilang, 90.8% ang nakakaranas ng mild symptoms, 4.6% ang asymptomatic, 1.9% ang severe, at 1.3% ang nasa kritikal na kondisyon.

Kaugnay nito, inanunsyo rin ng DOH na tumaas ang total recoveries sa 1,305,608, matapos gumaling ang 2,867 pang pasyente mula sa respiratory illness.

Ito naman ang naitalang pinakamababang bilang ng mga bagong recoveries, simula noong June 4.

Samantala, 116 ang naitala ng DOH na mga bagong fatalities, dahilan para umakyat ang death toll sa 24,152. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *