Duterte, hindi ipagyayabang ang kanyang mga legasiya sa huling SONA

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magyayabang sa mga legasiya ng administrasyon, sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).

Ito ang tugon ng pangulo nang matanong kung aling legasiya ng administrasyon ang pinaka-proud siya.

Ayon kay Duterte, gusto niya na ang mga tao ang tumingin, dahil hindi niya ito ipagyayabang, bilang ang mga ginastos dito ay hindi naman umano niya pera.

Dagdag ng punong ehekutibo, babanggitin lang niya ang mga proyekto ng gobyerno na natapos sa ilalim ng kanyang administrasyon. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *