MMDA – NCR, handa nang mag-shift sa mas maluwag na MGCQ

Handa na ang Metro Manila, na mas luwagan pa ang quarantine restrictions, pero dapat parin umanong ikonsidera ng mga local city executives ang presensya ng bagong variant.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na ang capital region ay may “opening” para sa pag- shift sa modified general community quarantine.

Pero ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, pag-uusapan ito nang husto kasama ang mga alkalde sa National Capital region at ang mga paghahanda na gagawin, bilang may mga bagong variant.

Nitong linggo nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine status na iminungkahi ng pandemic task force, kung saan ang Metro Manila, Rizal at Bulacan ay nananatiling nasa ilalim ng general community quarantine “na may ilang restrictions” hanggang July 15. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *