Duterte, ibinunyag na nakipagkita siya sa kaniyang ex-girlfriend sa mall

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakipagkita siya sa kaniyang ex-girlfriend nang siya ay bumisita sa mall.

Inihayag ito ng Pangulo sa gitna ng kaniyang Talk to the People bilang sagot sa kritisismo ni Senator Richard Gordon na bumisita siya doon para sumilip sa mga mamahaling relo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nagpasaring naman ang Pangulo na maraming mamahalin na relo na mabibili si Gordon gamit ang P86-million.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo na nag-isyu ang Commission on Audit ng notice of disallowance sa Subic Bay Metropolitan Authority na dating pinamunuan ni Gordon para sa P140-million na pondo nito.

Kabilang sa nasabing halaga ang P86-million na ayon sa Pangulo ay ibinulsa umano ng dating SBMA chairman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *