Dwight Ramos, balik PH mula Japan para makiisa sa Gilas Pilipinas

Balik Pilipinas na si Guard Dwight Ramos mula sa Japan, para makiisa sa Gilas Pilipinas sa kanilang paghahanda para sa February window ng 2023 Fiba Asia Cup Qualifiers.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas President Al Panlilio, si Ramos ay makakasama sa iba pang national team ng bansa sa TNT’s bubble sa Lipa, Batangas ngayong araw.

Si Ramos, na naglalaro sa kanyang unang taon sa Japan B.League, ay maaring mapalabas sa kanyang kontrata sakaling mahawa siya sa COVID-19 o magtamo ng injury sa kanyang pananatili sa Pilipinas.

Nabatid na sa kabila na qualified na ang Gilas para sa Asia Cup, ay target parin nito na maglagay ng malakas na showing sa February window, kung saan maglalaro ito laban sa South Korea ng dalawang beses, India, at New Zealand. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *