Easterlies at ITCZ makakaapekto sa lagay ng panahon sa bansa ngayong araw

Patuloy na makakaapekto ang easterlies sa eastern sections ng Luzon at Visayas, habang ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang makakaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ang Metro Manila, Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Bulacan, Laguna, Rizal at Quezon ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thuderstorms dahil sas Easterlies.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan na may kasamang thunderstorms ang iiral sa South Cotabato, Sarangani, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa ITCZ.

Babala ng Pagasa, posible ang flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas ang ulan.

Samantala, ang ibang bahagi naman ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa ITCZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *