32 bata kabilang sa mga nasawi sa Indonesia stadium disaster

Papalo sa 32 mga bata ang kabilang sa mga nasawi sa stadium crush sa Indonesia, na isa sa deadliest disasters sa kasaysayan ng football.

Mababatid na nasa 125 indibidwal ang kabuoang nasawi sa naturang trahedya, habang 323 iba pang sugatan, nang magpakawala ng tear gas ang mga officers para matigil sana ang riot, pero nagresulta ito sa stampede.

Ayon sa women’s empowerment and child protection ministry, ang pinakabatang nasawi sa insidente ay nasa tatlo hanggang apat na taong gulang.

Inanunsyo naman ni, Indonesia’s chief security minister Mahfud MD na bumuo na sila ng task force para imbestigahan ang trahedya at papanagutin ang mga responsable.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *