Economic team, nakikita ang P51-P55 na palitan vs $1 mula 2023-2028

Nakikita ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang P51 hanggang P55 na exchange rate para sa 2023 hanggang 2028 laban sa dolyar.

Ayon sa DBCC, ito umano ay dahil sa pinaigting na global uncertainty gaya ng aggressive monetary policy na nagpapalakas sa US Fed, market aversion sa gitna ng Russia-Ukraine conflict, at tumaas na global oil prices.

Ang naturang usapin ay ilan lang sa mga natalakay para sa buong duration ng Marcos administration.

Mababatid na noong Huwbes, nagsara ang palitan ng piso kontra dolyar sa 56.06 na siyang pinakamahina para sa piso sa nakalipas na 17 taon. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *