EJ Obiena, lalarga sa tatlong palaro bago sumabak sa Olympics

Sa gitna ng kanyang paghahanda sa 2024 Paris Olympics, inanunsyo ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena na sasali siya sa tatlong major tournaments.

Kabilang na rito ang World Athletics Indoor Championships sa Glasgow, Scotland, na gaganapin sa Marso 3.

Ngunit bago ito, makikita muna siya Memorial Josip Gasparac sa Pebrero 20 sa Croatia, na susundan naman sa ISTAF Indoor sa Pebrero 23 sa Berlin, Germany.

Bahagi ng buildup ni Obiena ang tatlong paligsahan para sa Summer Games, na magsisimula sa huling bahagi ng Hulyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *