EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena para sa kanyang paghahanda sa nalalapit na Paris Olympics.

Ito ay makasungkit ng isang medalya para sa Pilipinas.

Maalalang nabigo si Obiena na makamit ito noong 2020 sa Tokyo Olympics, ngunit aniya, ngayon ay mas may karanasan na siya at mas determinado na makapag-podium finish.

Bukod sa medalya, tatanggap din ang mga athletics gold medalists ng cash prize na $50,000 sa Paris Games.

Para sa mga Filipino Olympians, makakakuha din ng P10 milyon ang mga gold medalists, alinsunod sa mandato ng Republic Act 10699.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *