Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content creatror sa TikTok matapos niyang maki-join sa ‘Asoka’ makeup trend.

Bagama’t kumukuha ng inspirasyon ang Asoka trend sa isang Hindi film noong 2001, binigyan ito ng sariling take ni Marian.

Imbis kasi na magsuot ng Indian bridal outfits, nag-transform ito sa kanyang signature look bilang Marimar.

Taong 2007 pa nang huling makita si Marian nang naka suot ng Marimar outfit nang bumida ito sa Pinoy adaptation ng hit Mexican telenovela, kasama ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *