EJ Obiena, wagi sa pole vault matapos tamaan ng COVID-19

Niuwi ni EJ Obiena ang gold medal sa pole vault na ginanap sa Taby Stavhoppsgala, Sweden matapos siyang pansamantalang nagpahinga dahil sa COVID-19.

Tinapos ang laro ni Obiena sa score na 5.92 kung saan katulad umano ito sa kanyang Asian record noong September 2021.

Nakuha ni Thiago Braz ng Brazil ang silver medal sa score na 5.82 habang si Simen Guttormsen ang nakakuha ng pangatlong pwesto sa score na 5.72.

Samantala, matatandaang nanalo din ng gintong medalya ang naturang Tokyo Olympian sa European City of Sports na ginanap sa L’Aquila, Italy sa score na 5.85. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *