Eksperto, naniniwalang posibleng may local transmission na ng monkeypox sa Pilipinas

Naniniwala ang isang eksperto na posibleng mayroon na umano local transmission na ng monkeypox sa Pilipinas matapos ang isang kumpirmadong kaso sa Iloilo.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert, na importanteng malaman ng Department of Health ang nakasalamuha ng pasyente na sinasabing may monkeypox.

Aniya, isang magandang indikasyon na nakita ng mga dalubhasa ang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Ayon naman kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, OIC ng DOH, inaalam nila kung may nakasalamuhang banyaga ang sinasabing pasyente dahil ang ibang nakasalamuha ng pasyente ay hindi umano nagpakita ng sintomas ng monkeypox.

Mababatid na sa ngayon, apat na ang kaso sa Pilipinas, pero ito umano ay walang travel history sa mga bansang mayroong kumpirmadong kaso.

Ang 25-anyos na pasyente ay kasalukuyan nang nasa isolation facility, habang natukoy narin ang 14 na mga close contacts nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *