Biyahe ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat sinuspinde ng PCG

CAMARINES NORTE- Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa karagatang sakop ng Camarines Norte.

Epektibo alas 5 ng hapon nitong Lunes, Agosto 22 ay pansamantalang sinuspinde ng Coast Guard ang biyahe ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat dahil sa bagyong Florita kung saan nasa ilalim ngayon ng Tropical Cylone Warning Signal No 1 ang lalawigan.

Batay sa Notice to Mariners na ipinalabas ni LTJG Ronnie Rey Pabico acting Station Commander ng Coast Guard Camarines Norte maaaring mag- resume ang biyahe ng mga Bangka kapag nag improve amg weather at sea condition sa lalawigan.

Sa ngayon ay ipinapaalala ng PCG lalo na s amga mangingisda na huwag na munang pumalaot para makaiwas sa disgrasya.

Samantala, suspendido naman ang klase sa lahat ng lebel sa lalawigan ng Camarines Norte.

Pero ayon sa Pagasa maaari nang i- lift ang suspension ng klase sa mga sususnod na oras dahil mahinang pag ulan na lang ang mararanasan at inaasahan din na gaganda na ang lagay ng panahon sa mga susunod na oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *