Election gun ban violators sa bansa , umabot na sa mahigit 1,800 -PNP

Dalawang araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, umabot na sa 1,841 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa pinaiiral na gun ban sa buong bansa.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Colonel Jean Fajardo , umabot 1,393 baril ang nakumpiska sa pinaigting na checkpoint operations sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Habang 2,298 baril ang idineposito para sa safekeeping at 1,635baril ang isinuko sa awtoridad.

Patuloy ang panawagan ng PNP na sundin ang umiiral ang panuntunan sa gun ban upang hindi maharap sa asunto.

Samantala, tumaas pa ang bilang ng election related incidents sa 129 mula sa 121.

Dalawampu’t tatlo ang validated ERI, 77 ang non ERI at 29 ang suspected ERI.

Sa 23 validated ERI, 5 rito ay nangyari sa BARMM, 4 sa CAR, tig tatlo sa regions 8 at 10, tig dadalawa sa regions 1 , 5 at 7 at tig isang kaso sa regions 4a at 9.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *