Election officer sa bayan ng Albarka, Basilan patay sa pamamaril

BASILAN – Hindi parin matukoy ng Otoridad hanggang sa ngayon ang motibo sa pagpapaslang sa Election Officer ng Munisipalidad ng Albarka kahapon.

Nangyari ang insidente kahapon sa harap lang mismo ng Tanggapan ng Comelec sa may Doña Ramona , sa Lungsod ng Isabela sa nabanggit na Probibsiya habang nagsisilbi umano ang biktima sa Voters Registration.

Ang nasawing biktima ay kinilala na si Ruaina Edris Sayyadi na naninirahan sa may Barangay Sumagdang sa Probinsya ng Basilan.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng 89.9 Brigada News Team si Sayyadi umano ay pangatlong Election officer sa nasabing lalawigan na naging biktima ng pamamaril.

Sa ngayon ay patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad hinggil sa nasabing insidente upang malaman kung ano ang motibo at ang pagkakilanlan ng salarin. (KATRINA ANIÑON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *