Jo Koy at Chelsea Handler, hiwalay na!

Inanunsyo ng komedyante na si Chelsea Handler na hiwalay na sila ng kanyang nobyong si Jo Koy, bago pa man ipagdiwang ang unang anibersaryo ng kanilang relasyon.

Sa Instagram, nag-post si Chelsea ng video na kasama si Jo, kung saan ini-record daw ang video para sana sa pagdiriwang ng kanilang first year anniversary.

Dito inihayag ng dalawa ang kanilang natutunan sa kanilang relasyon at sinamahan pa ng mga biro.

Paglilinaw naman ni Chelsea, hindi iyon ang katapusan kundi panibagong pagsisimula, habang sa IG post ni Jo, sinabi nitong mananatiling “great friends” sila ni Chelsea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *