Election Registration Board magka- convene sa susunod na linggo bilang paghahanda sa December 5, Barangay at SK elections

CAMARINES NORTE- Nakatakdang mag- convene sa susunod na linggo ang Election Registration Board (ERB) bilang bahagi ng paghahanda sa December 5, Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa bayan ng Basud ay nagpalabas na ng notice si Election Officer III Annelyn Abanes nan aka- address sa mga miyembro ng ERB, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), other civic/ non- government organizations and stakeholders at sa lahat ng registered voters sa naturang bayan.

Magko- convene ang ERB simula sa September 28, alas 9 ng umaga para i- verify at i- certify ang Election Day Computerized Voters List (EDCVL) at Posted Computerized Voters List (PCVL)  hanggang ito ay makumpleto kasama ang PPRCV.

Batay sa notice na ipinalabas nitong Lunes, September 19, maaaring mga- observe ang mga kinatawan ng civic/non- government organizations, at iba pang stakeholders sa proceedings.

Ang tuloy- tuloy na paghahanda ng Comelec ay sa harap ng napipintong pagpapaliban sa halalan dahil sa mga nakabinbing panukalang batas sa senado at kamara ukol dito.

Una nang umapela ang komisyon sa mga mambabatas na kung ipagpapaliban ang halalan ay gawin daw sana ito sa 2023 upang hindi naman maapektuhan ang kanilang paghahanda sa midterm elections sa 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *