Positivity rates ng COVID-19 sa Metro Manila, tumaas sa 15.6% ayon sa OCTA

Tumaas ang weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 15.6% mula sa 13.3% noong September 10 at 14.5% naman noong September 14.

Batay sa independent monitoring group OCTA Research, na ang positivity rates sa mga kalapit na probinsya gaya ng Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna ay tumaas din.

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, na nag-peak na ang infections noong August 7, at bumababa na sa karamihan ng mga probinsya sa bansa, kabilang na sa Cebu, Davao, at northern provinces, pero sa Metro Manila, napansin ang muling pagtaas ng positivity rate na indikasyon na posibleng tumataas na ang trend sa mga kaso sa rehiyon.

Una nang iniulat ng Department of Health (DOH) na ang bilang ng average daily cases sa Metro Manila sa nakalipas na linggo ay nasa 950, pero sa pagtaya ng Octa ang average ay nasa 16,000 per day umano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *