Electrician Patay matapos makuryente!

Dead on arrival sa pagamutan ang isang 27 anyos na electrician matapos na ito ay aksidenteng makoryente kahapon.

Sa report na nakalap ng Brigada News Cotabato, ang biktima na si Mr. Argie Regadon ay hindi na umabot ng buhay sa ospital matapos ang insidente.Pasado alas kwatro ng hapon kahapon ay mayroong inaayos na koryente ang biktima sa kisame ng SKCC sa loob ng Bangsamoro Govt. Center nang ito ay makoryente.

Nakunan pa ng video ng isang citizen ang biktima habang ibinababa at sinikap na maisalba ng mga rumespondeng BFP personnel ng OCM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *