Epekto ng ‘heatwave’ sa mga pananim sa China, ramdam pa rin

Nagdulot ng malaking pinsala sa mga pananim at suplay ng kuryente ang matinding init o ‘heatwave’ na nararanasan sa China.

Ito ay sa kabila ng mababang temperatura sa ilang rehiyon.

Nagsusumikap na ang mga awtoridad sa Yangtze river basin upang malimitahan ang pinsala mula sa pagbabago ng klima na may malaking epekto sa mga pananim at hayop.

Sa mga nakaaraang Linggo, lubhang naapektuhan ang timog-kanlurang rehiyon ng Chongqing dulot ng tuyo at mainit na panahon.

Ayon sa isang residente, nagkakaroon na ng ‘shortage’ sa kanilang mga patubig matapos ang apat na araw na sunog sa bundok ng Jiangjin District.

Nagsasagawa na ang agriculture bureau Chongqing ng mga ’emergency measures’ upang maprotektahan ang nasa higit 5,000 malalaking sakahan ng baboy na nakararanas ng mainit na temperatura.

Ayon kay Lin Zhong, propesor sa City University of Hong Kong, maaari umanong kumalat pa sa ibang sektor ang nararanasang ‘climate change’ ng bansa partikular na ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at pagkakaroon ng krisis sa pagkain. (RSB | PHOTO: South China Morning Post)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *