World café of opportunities, pinangunahan ng TESDA sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Pinangunahan ng TESDA ang isang programang World Café of Opportunities kahapon sa isang mall sa lunsod ng Legazpi sa pagdiriwang ng National Tech-Voc Day.

Kabilang sa nabanggit na aktibidad ay ang pagsagawa ng job fair upang matulungan ang mga NCII passers na makahanap ng trabaho.

Bukod pa rito, mayroon ding mga scholarship grants para sa mga walk-in na gustong makapag-aral ngunit nagkukulang sa pera at mayroon ding in-offer na pagkatuto para sa mga may kapital na nais magnegosyo.

Sinabi ni TESDA Bicol OIC Regional Director Ruth Dayawen, hindi maaaring hanggang training lang ang para sa mga scholars nila, kundi kailangan nila magkaroon din ng trabaho.

Dagdag pa niya, kung nabigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng training, dapat din sila mgakaroon ng pagkakataong magkatrabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *