ERC: gawing ‘mas transparent’ ang pagpapataw ng mga ‘pass-through charges’

Nais gawing mas transparent ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagpapataw ng ‘pass-through charges’ ng mga power distributors.

Sa isang pahayag, sinabi ng komisyon na in-adopt nila ang resoslusyon na magrerebisa ng alituntunin na siya namang susundan sa cost adjustment.

Sinasaklaw ng naturang Revised Rule ang Generation Charges, Transmission Charges, mga sabsidiya gaya ng Lifeline at Senior Citizen Subsidies, System Loss, at iba pang pass-throuugh costs na aaprubahan ng ERC.

Ayon kay ERC Chairperson Monalisa C. Dimalanta, inaasahan nila ang 2023 bilang simula ng greater transparency pagdating sa electricity pricing. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *