Estudyante na No.1 MWP ng Bulan Police, arestado

Tuluyan nang naaresto ang 19-anyos na estudyante na tinaguriang rank No. 1 most wanted person ng Bulan MPS.

Naaresto kahapon ng umaga sa kanyang residente sa Brgy Otavi si Jerico Caraulia Aguirre ng pinagsamang puwersa ng Bulan Police at ng 2nd PMFC.

Ang pag- aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 65 sa kasong 2 counts of rape na walang itinakdang piyansa.

Pansamantalang nasa kustudiya ng Pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay ito sa korteng pinagmulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *