Estudyante nagbenta ng marijuana sa palengke, arestado

Arestado ang isang binata matapos mahuli sa aktong umanong pagbebenta ng marijuana sa Purok 1, Barangay Marketsite, Isabela City Basilan.

Ang nahuling suspek ay 24-anyos na estudyante na kinilala bilang si Al- Mish-Al Amilbangsa Asamli, residente ng nasabing lugar.

Sa report na inilabas ng Isabela City Police Station, 6 na balot na may ibat ibang hugis ng marijuana leaves ang ibinenta umano ng suspek sa may palengke dakong alas 07:07 ng gabi kung saan nagresulta sa pagka aresto ng naturang suspek.

Napag-alaman na matagal nang minamanmanan ng pulisya ang galaw ng naturang binata.

Aabot sa humigit-kumulang 50 gramo ang timbang ng nakumpiskang marijuana at tinatayang nagkakahalaga ng P7,000.

Bukod sa marijuana narekober din sa  suspek ang buybust money at isang unit ng cellphone na ginamit nito sa pakikipagtransakyon.

Samantala, Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek. Guen Delos Santos/ Kilo India

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *