EU allies, tinanggal ang mahigit 200 Russian diplomats, staff

Sinibak ng EU nations ang daan-daang Russian diplomats sa gitna ng tumataas na karahasan sa Ukraine bunga ng paglusob ng Russia.

Kaugnay nito, nasa 200 envoys at staff ang pinauwi nila sa loob ng 48 oras.

Matapos kasing mag-anunsyo ang Germany at France ng expulsions sa 75 sa kanila, sumunod narin ang mga bansang Italya, Spain at Slovenia, habang ang European Union, nagdeklara ng “persona non grata” sa grupo ng Russian officials na nagtatrabaho sa kanilang mga institusyon.

Ang expulsions ay dahil umano sa akusasyong na pag-spy o “national security reasons”, pero nangyari matapos ang international condemnation sa mga pagpatay sa Bucha, malapit sa Kyiv, kung saan dose-dosenang bangkay ang nadiskubre matapos umalis ang mga tropa ng Russian.

Ayon naman kay Kremlin spokesman Dmitry Peskov, ang mass expulsions ng kanilang mga diplomats ay isang “short-sighted move”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *