US, inanunsyo ang extra $100-M na military aid sa Ukraine

Inanunsyo ng United States na magpapadala sila ng $100 million na halaga ng karagdagang anti-armor weapons sa Ukraine.

Sinabi naman ni Pentagon spokesman John Kirby, na ang extra funding ay gagamitin para matugunan ang pangangailangan ng Ukrainian na karagdagang Javelin anti-armor systems.

Binigyang diin nito na ginagamit na ng Ukrainians ang shoulder-launched missiles nang epektibo para depensahan ang kanilang bansa.

Matatandaan na noong April 1, inanunsyo ng Pentagon ang extra $300 million na military assistance.

Ayon kay Kirby, ang latest tranche ay nagdala sa US military aid sa Ukraine sa mahigit $1.7 billion simula nang pagsisimula ng invassion ng Russia noong February 24, at mahigit $2.4 billion simula nang pagsisimula ng termino ni US President Joe Biden.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *