Expert, sinang-ayunan ang projection na 9,000 daily cases

Sinang-ayunan ng isang infectious disease expert ang pahayag kamakailan ng Department of Health (DOH) na posibleng pumalo pa sa 9,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na maiitala kada araw sa bansa.

Ayon Dr. Rontgene Solante, dahil sa mataas na mobility at mas maraming pagtitipon-tipon ng mga tao, hindi malabong tumaas muli ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Aniya pa, maaari rin daw tumaas ang mga ma-a-admit na pasyente sa mga ospital dahil sa virus.

Sa katunayan daw, nananatiling dominante ang Omicron BA.5 subvariant sa bansa.

Kaya naman sinabi ni Solante na kahit pa nagkaroon na ng bahagyang pagbaba sa mga kaso, hindi ibig sabihin ay wala ng mabilis na transmission ng COVID-19.

Binigyang diin niya na hindi pa rin pupwedeng magrelax ang publiko sa pagsunod sa health protocols.

Gayunman, umaasa ang eksperto na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso kahit na may kabagalan ang downward trend nito.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *