PSAC, hindi na nakikita ang muling pagsasara ng ekonomiya ng bansa

Hindi na umano nakikita ng Private Sector Advisory Council (PSAC) ang muling pagsasara ng ekonomiya ng bansa.

Ito raw ay kahit pa tumaas muli ang mga kaso ng covid-19, magkaroon ng surge o di kaya’y tumaas ang healthcare utilization rate.

Sa Laging Handa Public Briefing, binigyang diin ni PSAC Lead for Jobs Group Joey Concepcion na malakas ang kanyang paniniwala na nakabalik na talaga ang Pilipinas sa normal na pamumuhay.

Aniya, isa itong magandang indikasyon at magandang pagkakataon para sa mga micro small medium enterprises o MSME’s na tuluyang makabawi sa kanilang negosyo.

Sa ngayon, sinabi ni Concepcion na ang dapat lamang gawin ng mga Pilipino ay ang mag-ingat para magpatuloy ang magandang takbo ng ekonomiya.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *