Extra training sa mga kabataan, dapat umanong isulong ng gobyerno

Nanawagan si House Committee on Labor and Employment Chairperson at Rizal 4th District Representative Fidel Nograles sa pamahalaan na itaguyod ang accessible avenues para sa mga kabataan upang malinang ang mga kasanayan sa harap ng tumitinding kompetisyon sa labor market.

Ayon kay Nograles, mahalaga ang pagsasagawa ng extra training para sa mga kabataan upang mapabuti ang kakayahan at maiangat ang tsansang matanggap sa trabaho.

Ipinunto nito na mainam na maging handa sa hinaharap ang mga kabataan lalo’t umuusbong ang hamon dulot ng climate crisis at artificial intelligence sa employment trends.

Umaasa rin ang kongresista na maisusulong ang mga partnership sa pagitan ng gobyerno, mga institusyon at pribadong sektor upang mabigyan ng kinakailangang training ang mga kabataan.

At ngayong nakatakdang gunitain ang anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal bukas, December 30, ipinaalala ni Nograles na edukasyon ang naging susi sa tagumpay ng bayani at mas marami pang “Rizal” ang malilikha kung tutulungan ng gobyerno ang bagong henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *