Fatality rate ng Nipah virus nasa 50-70; Naturang virus posible ring makapasok sa Pilipinas

Wala pang gamot at bakuna ang Nipah virus na kumakalat ngayon sa bansang India.

Kaya naman may paalala si Infectious Disease Expert Rontgene Solante, na posible ring makapasok ang virus sa bansa dahil kabilang tayo sa tinatawag na tropical country.

Ang Nipah Virus ay isang zoonotic virus na nakukuha mula sa fruit bat, at unang na-detect taong 1998 sa bansang Malaysia.

Ilan sa mga sintomas nito ay lagnat na may kasabay na sobrang pananakit ng ulo, dahil posible ring magdulot ng Encephalitis at Meningitis ang virus.

Pagkaraan ng dalawa hanggang tatlong araw, manghihina ang pasyente, hindi na makakakilala, tulog na lang nang tulog hanggang sa hihinto na lang ang function ng kanyang baga at puso.

Nasa 50-70% ang fatality rate ng Nipah virus, ibig sabihin sa limang tinamaan ng sakit nasa 3 hanggang 4 ang pwedeng mamatay.

Sa ngayon wala pa naman daw naitatalang kaso ng Nipah virus sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *